Nakakadismaya ang resulta ng eleksyon mapa local man o national. People are still blinded by money and popularity. Hindi ko lubusan maintindihan ang taong bayan. Gusto nila ng pagbabago ngunit sila mismo pinagpapalit nila ang kanilang boto sa ilang salapi. Para na din nilang ipinagpalit ang kanilang boses para sa ating bansa.. Meron naman iba na apelyido nalang ang basehan. Hindi porket galing sa isang kilalang pamilya sa larangan ng pulitaka ibig sabihin ay karapat dapat na. Iba’t ibang election period but the system is still the same. Kailan ba mamumulat ang taong bayan? Oo nga’t isang tao ka lang, isang boto lang ngunit ang “isang” iyan ay pwedeng maging susi para sa ikakabuti ng ating bansa. Hindi lang ito basta basta itinatapon na para bang wala itong halaga.